mga Katrabaho
Ang pangunahing lakas ng MIC ay ang mga katrabaho nito. Ang malawak na kaalaman at kadalubhasaan ng mga kalahok na organisasyon kasama ang pagnanais na tulungan ang siguridad ng epektibong pag-unlad ng proyekto. Bilang karagdagan, ang mga benepisyo ng MIC mula sa isang masigasig na pamamahala at isang malakas, pasulong na pag-iisip ng pangkat. Ang aming mga serbisyo ay pinamamahalaan at inihatid ng mga taong may kaugnay na karanasan sa trabahong ito, at maaaring makipag-ugnayan ng may pakikiramay sa mga gumagamit ng serbisyo.
Ang MIC ay ang tanging organisasyon na may ganitong lawak at kakayahan sa Cyprus, patuloy na nag-aalok ng serbisyo para sa mga pinakamahihirap na tao sa lipunan anuman ang kanilang katayuan sa imigrasyon o bansang pinanggalingan, katutubo, relihiyon, kasarian, pag-aangkop ng kasarian, edad o kapansanan.
Ang aming minamataan na grupo ay nagmula sa iba't ibang mga bansa; sa gayon, ang koponan ng aming mga dalubhasa ay may kasanayan, pagkaka-iba at kultura na may karampatang tumulong sa aming mga kliyete na may pagkamapagdamdam at paggalang.

Ang Pamantasan ng Nicosia
Ang Pamantsan ng Nicosia ay ang pinakamalaking pamantasan sa Cyprus, na may higit sa 11,000 mag-aaral mula sa mahigit 70 bansa sa buong mundo, na nagtitipon sa isang makabago at pagbabagong anyo sa pag-aaral. Matatagpuan sa Nicosia, kabisera ng bansa, at kasama ang 18ng iba pang mga lungsod sa buong mundo, hinihimok sa pamamagitan ng aming paghahangad ng kahusayan sa pagtuturo at pag-aaral, pagbabago, pananaliksik, teknolohiya, at patuloy na umuunlad na akademikong kapaligiran.

CARDET
CARDET (Center for the Advancement of Research & Development in Educational Technology) ay isang malaya, hindi kumikita, hindi-sakop ng pamahalaan, samahan ng mga mananaliksik at nagpapa-unlad na organisasyon na matatagpuan sa Cyprus kasama ang mga katrabaho sa buong mundo. Ang CARDET ay nagiging isa sa mga nangungunang samahan sa rehiyon ng Euro-Mediterranean para sa pananaliksik, pagsusuri at pag-unlad. Nagsisikap ang koponan ng CARDET na mag-alok ng pinakamataas na kahusayan sa pananaliksik at kakayahang magpa-unlad at mapakinabangan ng lipunan ang pagkakataong makapag-aral.