PAMBATAS NA BALANGKAS AT MGA KARAPATAN SA PANGANGALAGA NG KALUSUGAN

Mula noong Hunyo 2019, isang General Healthcare System (GESY/GHS) ang ipinatupad sa Cyprus. Ang bagong sistema ay nagbibigay pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng konsepto ng isang pansariling dalubhasang manggagamot (GP) sa komunidad na nagbibigay rekomendasyon para sa mga espesyalistang doktor. Ang mga serbisyong pangkalusugan ay ibinibigay sa pamamagitan ng isang network sa mga pribadong manggagamot, sentro ng pagsusuri at mga botika. Ang ilang pribadong ospital na sumali sa bagong sistemang pang-kalusugan ay nagbibigay din ng serbisyo para sa panggagamot. Ang Serbisyong pang-kalusugan ay halos eksklusibong ibinibigay sa ilalim ng bagong sistema ng kalusugan para sa malaking bahagi ng populasyon sa Cyprus (Mga Cypriot, mamamayan ng EU, mga benepisyaryo ng IP).

 

Nasa ibaba ang mga serbisyong ipinagkakaloob sa sektor ng kalusugan. I-click sa bawat isa upang malaman ang higit pa.

Ang mga asilo matapos isumite ang kanilang aplikasyon ay kinakailangang sumailalim sa ilang mga medikal na pagsusuri, bilang isang kinakailangang proseso ng kanilang kahilingan para sa asilo. Ang mga asilo ay tumatanggap ng isang tarheta sa Pagpapagamot, na nagsisiguro ng libreng pangangalagang medikal sa mga pampublikong ospital kung sakaling hindi makakaya ang mga gastusin.

  • Liham ng kumpirmasyon na ibinigay ng Serbisyong Pang-asilo.
  • Kopya ng Social Insurance Account mula sa Department of Social Insurance Services o Citizen Service Centres (para sa lahat ng miyembro ng pamilya maliban sa mga batang wala pang 18 taong hindi nagtatrabaho).
  • Ang katunayan mula sa amo na nagpapakita ng halaga ng kita o kontrata ng trabaho o bagong katunayan ng pagtanggap ng pampublikong tulong (na iginawad ng Kagawaran ng Serbisyong Panlipunan Kapakanan).

Ang mga makikinabang ng pandaigdigang protekyon ay may karapatang makamit ang pampublikong pangangalaga sa kalusugan. Para sa karagdagang kaalaman sa pagtanggap ng isang tarheta sa pagamutan at mga kinakailangan ng Kagawaran ng Kalusugan.

Ang mga nakikinabang sa pandaigdigang proteksyon ay kasama sa bagong sistema ng GESY/GHS at kabilang rin dito ang karapatan sa bagong plano na ibinigay ng Department for Social Inclusion of Persons with Disabilities, na gumagana sa ilalim ng Ministry of Labour and Social Insurance. Dagdag pa rito, simula noong Mayo 2018, ang may hawak ng Pandaigdigang Proteksyon na istado ay binigyan ng karapatan sa planong pinansyal na tulong sa mga taong positibo sa HIV.

MAMAMAYAN MULA SA IKATLONG BANSA

Sinumang manggagawa sa Cyprus, anuman ang nasyonalidad o paninirahan ay dapat magparehistro para sa segurong panlipunan sa mga Distritong Tanggapan ng mga Manggagawa. Ang lahat ng mula sa ikatlong bansa na legal na nagtatrabaho at ordinaryong naninirahan sa mga lugar na kontrolado ng Pamahalaan ng Cyprus ay makikinabang sa serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng GHS.

Para sa mga pahintulot sa matagalang paninirahan, ang mga pansamantalang permiso sa paninirhan upang makapagtrabaho at makapag-aral, ang mga kailangang ibigay ng mga dayuhan, kasama ang lahat ng iba pang mga dokumento, isang katunayan ng nasasakupang pampribadong segurong pangkalusugan upang mabigyan ng bisa. Ang umiiral na taunang panukala para sa pampribadong kasiguraduhan ay nagbibigay-daan sa bawat mamamayan na gumamit ng pribado o sa ilang mga kaso ng mga pampublikong serbisyong pangkalusugan kung saan may karampatang bayad ang serbisyo at pagkatapos ay maisauli ng kumpanya ng seguro ang nagastos.

Ang mga katangian ng mga pakete ng seguro ay:

  • direktang pagbabayad ay kailangang gawin mula sa punto ng paggamit
  • kabahagi-sa-seguro kung saan ang gastos pangkalusugan ay ibinahagi sa pagitan ng seguro at ang nakaseguro (10-90%)
  • mayroong pasimulang pihong halaga kung saan ang nakaseguro ay hindi babayaran sa higit at mas mataas sa sobrang gastos

Mayroong iba't ibang mga pakete ng seguro, na ang karaniwang pangunahing sakop ay ang makakatulong sa mga manggagawa ay ang mga sumusunod:

  • Pagkaratay sa karamdaman na may hangganan

    pagsasauli ng paunang nagugol na halaga ayon sa:

    - Sakit o aksidente
    - Nasasakupang panahon ng seguro at bawat tao
    - Pagka-ospital sa bawat araw (pagtira at pagkain)
    - Pagka-spital sa bawat araw ng nasa pamantayan ng Masidhing Pangangalaga (pagtira at pagkain).
  • - Panganganak (normal na panganganak o inoperahan)
  • - Pagpapauwi ng bangkay patungo sa bansang pinagmulan

Ang mga Serbisyong Pangkalusugan sa Cyprus ay maaaring parehong ipagkaloob sa publiko at sa pribadong sektor. Mayroon silang daan anumang uri ng mga serbisyong pangkalusugan na gusto nila (sa parehong sektor), samantalang dapat nilang isaalang-alang ang anumang mga pagkakaiba sa balangkas, kadalubhasaan at mga gastos sa pagitan ng mga ito.

Ang sangay na Pangsakuna at Pangkagipitan maging sa pampubliko at pribadong pagamutan ang mga serbisyo ay mayruong bayad.

Maraming mga pribado at pampublikong botika sa Cyprus. Ang halaga ng lahat ng mga gamot ay dapat sakop ng pasyente. Kung ang gamot ay inireseta ng doktor sa dayuhang pasyente, bahagi ng gastos ng pasyente ay maaaring saklaw ng kompanya ng seguro. Ang mga botika ay matatagpuan sa mga pampublikong ospital. Ang kanilang mga oras ng pagbubukas ay kapareho ng mga pampublikong pagamutan at di nakaratay sa pagamutan. May mga pribadong botika sa bawat lungsod, ang ilan sa mga ito ay bukas ng 24 na oras, pati sabado at linggo. Ang mga detalyadong kontak ng mga botikang bukas magdamag ay matatagpuan sa mga pang-araw araw na pahayagan, nakapaskil sa mga bintana ng mga botika, at matatagpuan din sa telepono, online o kaya naman sa pamamagitan ng mga serbisyong Teletext na matatagpuan sa mga lokal na kanale sa TV.

MGA MAG-AARAL

Ang lahat ng mga dayuhang mag-aaral (Unibersidad at Kolehiyo) na nagnanais na mag-aral sa Cyprus ay nararapat, ayon sa batas, na magkaroon ng (pribadong) Segurong Pangkalusugan. Ang ganitong seguro ay isang pangunahing kailangan upang makapagparehistro sa Pandayuhang Pasuguan sa Cyprus.

Ang mga mag-aaral na hindi-EU ay dapat magbayad para sa pangangalagang pangkalusugan. Ang mga taunang panukala ng pribadong seguro ay nagbibigay-daan sa bawat isa na makagamit ng pribado o sa ilang mga kaso ng mga serbisyo sa pampublikong pangkalusugan kung saan may karampatang bayad ng serbiyo at pagkatapos ay humiling sa kompanya ng seguro upang isauli ang nagastos.