Skip to main content

Ipinagkakaloob na Paglilingkod

Ang aming serbisyo ay gumagamit ng makabagong teknolohiya at masistemang pamamahala upang magpalaganap ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang NGOs at boluntaryong paglilingkod. Kabilang sa mga serbisyong tutulong sa mga migrante ay ang pagpasok sa merkado ng trabaho, pati na rin upang mabigyan ng tirahan, edukasyon at mga pangangailangan sa kalusugan.
Bilang karagdagan, ang proyektong ito ay. Bilang karagdagan, ang proyektong ito ay naglilikha ng isang makabagong saligan, nag-iikot na pangkat sa mga lalawigan na nag-aalok ng mga serbisyong psychosocial. Sa pamamagitan ng kasanayan na ito, sinisikap naming mabawasan ang mga humihiwalay at bumubukod na mga mahihinang mamamayan.
Nasa ibaba ang mga serbisyong ibinibigay namin. I-click sa bawat isa upang malaman kung ano pa ang meron.
PANLIPUNANG SUPORTA
Nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan, tulong upang punan ang mga kinakailangang porma at pangunahing impormasyon upang madagdagan ang makukuha at pagpapabilis ng mga pamamaraan. Nagbibigay din kami ng suporta sa mga tinutulungan namin ng serbisyo upang lubos na maunawaan ang kalagayan ng Cyprus at tulungan silang makapagpasya para sa kanilang kinabukasan.
TULONG SA PAGHAHANAP NG TRABAHO
Binibigyan namin ng lakas ang aming mga tinutulungan upang magpalista sa mga angkop na kagawaran upang maghanap ng trabaho, upang maihanda sila sa pakikipanayan sa mapagtatrabahunan, upang ipaalam sa kanila ang tungkol sa mga pamamaraan upang patunayan ang kakayahang gampanan ang trabaho ng may kasanayan, upang payuhan sila tungkol sa paghahanda kung papaano ipapakita ang kanilang kasanayan, upang tulungan silang ihanda ang kanilang Curriculum Vitae at upang mapahusay ang mga kasanayan sa komunikasyon bilang trabahador.
PAGTATANGGOL
Gumagawa kami ng paraan upang matiyak na ang lahat ng mamamayan ay may mapagkukunan ng mga kailangang kaalaman at sa inaalok na pagkakataon. Sa pamamagitan ng pagtataguyod tinitiyak namin na ang aming pinaglilingkuran ay makakakuha ng impormasyon at serbisyo, ipahayag ang kanilang mga alalahanin at tuklasin ang alternatibong kagustuhan at mapagpipilian.
ADVOCACY

We are dedicated to ensuring that all individuals have equal access to resources and opportunities available to them. Through advocacy we empower our users to gain access to information and essential services, express their concerns and explore alternative choices and options to make informed decisions.

SIKOLOHIKAL NA SUPORTA
Nagbibigay kami ng tulong sa mga mahihinang mamamayan sa pamamagitan ng pangkaisipang pagtatasa upang magawan ang bawat tao ng plano na angkop sa kanyang problema at tulungan na mabago ng kanilang kalagayan sa komunidad. Ang bawat isa ay itinuturing na may karangalan at paggalang. Sa mga kaso na may malalang problema sa kaisipan na kinakailangan na ang dalubhasa ay aming isinasangguni ayon sa pangangailangan.