Sa ibaba ay makikita mo ang ilang mga serbisyo na ibinigay ng Republika ng Cyprus. I-click bawat isang paksa upang malaman ang iba pang mga serbisyo.

KATAYUAN NG MGA MAKIKINABANG SA PANDAIGDIGANG PROTEKSYON

Ang paraan ng aplikante upang matukoy ang kalakalan ng trabaho ay tinutukoy ayon sa pasya ng Kagawaran ng Paggawa at Panlipunang Seguro, ayon sa kasunduan sa Kagawarang Panloob.

Sa unang anim na buwan mula sa petsa ng pagsumite ng aplikasyon ng asilo, sila ay hindi karapat-dapat na magtrabaho. Pagkalipas ng 6 na buwan, ang mga asilo ay pinapayagan ng magtrabaho sa mga sumusunod na sektor ng pangkabuhayang gawain:

Ang isang kumpanya /amo na nais kumuha ng manggagawa mula sa asilo ay dapat na may kapahintulutan kumuha ng isang dayuhang manggagawa at ang kontrata ng trabaho ay dapat natatakan ng Tanggapang Pampurok ng Paggawa.

Alinsunod sa susog ng Artikulo 19 ng Refugee Law, ang mga makikinabang sa karagdagang proteksyon ay ang may ganitong problema, tulad ng sa kaso ng mga kinikilalang takas, agarang paghahanap ng trabaho mula sa petsa na sila ay nabigyan ng nabanggit na kalagayan. Lalo na, walang mga paghihigpit hinggil sa kanilang trabaho o hanapbuhay anumang pangkat o kalakalan ng trabaho. Hindi rin kinakailangan ang pagsang-ayon ng Kagawaran ng Paggawa at tatakan ang kontrata ng pagtrabaho sa pagitan ng amo at taong ang katayuan ay sakop ng pantulong na proteksyon..

Ang Seksiyon 21B ng Batas ng Refugee ng Cyprus ay nagpapahiwatig na ang taong kinikilala bilang isang refugee ay tumatanggap ng pantay na pagkikitungo bilang mga mamamayan ng Republika tungkol sa pagtatrabaho. Sa ibang salita, ang mga refugee ay may parehong karapatan bilang mamamayan ng Cypriot sa pagtatrabaho, kaya walang mga paghihigpit sa anumang sektor at walang kinakailangang pahintulot mula sa Kagawaran ng Paggawa at tatakan ang isang kontrata ng trabaho sa pagitan ng isang amo at kinikilalang refugee.

 

MAMAMAYAN MULA SA IKATLONG BANSA

Kung pupunta sa Cyprus upang magtrabaho, ang mga mamamayan mula sa ikatlong bansa ay dapat munang humiling sa migration ng Cyprus na may karapatang makapagbigay ng trabaho at pahintulot sa paninirahan. Sa pagpaparehistro sa mga kinauukulan, ang isang pahintulot sa pagpasok ay ibibigay sa bawat tao. Karaniwang nakatala ang panahon ng bisa ng pahitulot na ito. Maaaring palitan ang pansamanatalang kapahintulutan ng paninirahan sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento dalawang buwan bago ang matapos ang pahintulot.

Dapat ang mga mamamayang mula sa ikatlong bansa ay:
– Kumuha ng bisa ayon sa mga batayan ng kontrata sa trabaho
– Kumuha ng numero ng kagawaran ng seguro
– Ang bisa ay maaaring ituloy ayon sa mga tinutukoy na batayan

Ang mga amo na nais kumuha ng kasambahay mula sa ikatlong bansa, ay makakahanap sa pamamagitan ng EURES (European Employment Service), ibig sabihin dapat na ilathala sa local na pahayagang laganap sa masa, pati na rin sa EURES sa loob ng 3 linggo.

Ang mga mamamayan mula sa ikatlong bansa ay dapat ipagpatuloy ang pagpaparehistro sa naaangkop na Tanggapang Pampurok ng mga Banyaga at Pandayuhang Pulisya, o sa mga Sentrong Tanggapan ng Patalaang Pambayan at Kagawaran ng Migrante sa Nicosia, sa loob ng 7 araw mula sa petsa ng pagdating. Ang biometric data tulad ng bakas ng daliri at larawan ay kinukolekta.

Sa pagsusumite ng aplikasyon para sa pagpasok / pahintulot ng paninirahan ng isang dayuhang manggagawa, ang pagpasa ng orihinal na garantiya sa bangko (simula dito "garantiya") ay kinakailangan. Ang garantiya ay ipinapasa upang masakop ang mga gastusin sa pagpapauwi, kung ang naturang pagpapauwi ay kinakailangan dahil napatunayang ang dayuhan ay hindi nabigyan ng karapatang manatili.

Ang garantiya ay maaaring gawin sa isang komersyal na bangko o institusyong kooperatiba at ito ay, sa patakaran, isang personal. May ilang mga kataliwasan, tulad ng mga estudyante, kung saan ang garantiya ay maaaring isang garantiya ng grupo.

Ang halaga ng garantiya na dapat ipasa ay depende sa bansang pinagmulan ng dayuhan, dahil ang mga gastos sa pagpapauwi (airfare, atbp.) ay iba-iba depende sa bansa kung saan ibabalik ang dayuhan. Ang halagang kinakailangang garantiya para sa bawat bansang pinagmulan ay matatagpuan. sa sumusunod na ugnay.

Ang tibay ng garantiya sa bangko ay dapat na hindi bababa sa sampung (10) taon. Sa kaso ng isang aplikate na ipinasa para sa pagbago ng pahintulot sa paninirahan, ang pagpapasa ng isang bagong garantiya ay hindi kinakailangan, maliban na lamang kung ang garantiya na ipinasa ay malapit ng mawalan ng tibay at ito ay sumasaklaw sa hiniling na panahon ng pananatili at karadagdagang isa pang (1) taon. Para sa mga mag-aaral, iba ang mga kinakailangang isinusumete bilang garantiya ng grupo.

Para sa pagbabalik ng garantiya sa bangko na idineposito para sa pagpapauwi sa dayuhan, kailangang sumulat ang amo sa Pambayang Talaan at Kagawarang Pandayuhan. Ang garantiya ng bangko ay ibabalik lamang kung ang empleyado ay uuwi sa bansang pinagmula o kung sakaling lilipat sa panibagong amo, ang bagong amo ay obligadong maglagak ng bagong garantiya sa banko.

Ang garantiya sa bangko ay hindi ibinabalik sa mga sumusunod na kaso:
Ang empleyado ay naging illegal matapos na mapawalang bisa ang kanyang pahintulot.
Ang empleyado ay nagpasa ng aplikasyon para sa asilo.
Ang empleyado ay nasentensiyahan para sa isang kriminal na kasalanan at pagkatapos, siya ay itinuturing na dayuhang walang karapatang manatili.
Ang empleyado ay lumisan sa lugar ng tinitirahan at pinagtatrabahunan at nawawala at hinahanap upang ibalik sa bansang pinagmulan.

Ang pinakamatagal ng paglagi ng isang dayuhan sa pagtatrabaho bilang kasambahay ay 6 na taon (ang unang pahintulot ay para sa 4 taon +2 taon para sa pagpatuloy). Ang pahintulot ay maaaring ituloy pagkatapos ng ika-6 na taon, sa kondisyon na ang kasambahay ay magtatrabahong muli sa kanyang amo.

Ang mga kontribusyon sa segurong panlipunan ay ginagawa ng sinumang manggagawang nagtatrabahong may amo o pansariling trabaho sa Cyprus. Ang amo ay nagbibigay ng karagdagang kontribusyon bilang katapat sa binabawas sa sahod ng empleyado. Ang mga empleyado ay pinahihintulutang tumanggap ng kita mula sa pondo ng segurong panlipunan ayon sa mga sumusunod na kalagayan:

  1. Pagbabakasyon (Pagkakasakit)
  2. Panganganak
  3. Pinsalang pisikal
  4. Pensiyon

Mahalagang tandaan na kinakailangang punan ng empleyado ang kinakailangang mga papeles at ipasa kung saan ang namamahalang kinauukulan na kagawaran at lahat ng kaugnay na mga kagawaran.

Simula noong 1.7.2013, ang pinakamababang buwanang sahod ng mga kasambahay ay may halagang €460. Sa halagang ito, 20.95% ay binawas para sa pagkain, 10% para sa tirahan, 8.3% para sa segurong panlipunan at 2.65% para sa General Health System (GHS). Ang Sigurong Pangkalusugan ng Empleyado ay binabayaran hati ang parehong partido.

Para sa anim na araw na trabaho, ang isang kasambahay ay may karapatan sa 24 na araw ng taunang bakasyon.

Ayon sa Organisasyon ng Batas sa Oras ng Trabaho 2002-2007, ang oras ng pagtatrabaho ng mga empleyado sa isang linggo ay karaniwang hindi lalampas ng 48 oras, kabilang ang overtime. Gayunpaman, itinuturing na mas kanais-nais ang pagkaka-ayos ng ibang mga Batas o mga Regulasyon, ang mga kasunduang pansarili o panlahat ay hindi apektado sa pamamagitan ng mga panustos ng mga nabanggit na batas. . Kung ang isang manggagawa ay magtatrabaho ng 38 o 40 oras o higit pa sa isang linggo ay isang bagay na pinamamahalaan ng naaangkop na panlahatang kasunduan o kasunduan sa pagitan ng dalawang partido.

Pinapayagan ang hindi hihigit sa 2 paglipat ng pinagtatrabahuhan sa panahon ng 6-taong pagtatrabaho ng mga kasambahay (maliban sa kaso ng kamatayan / pagpapaalis / paglipat ng employer sa isang nursing home, kriminal na pagkakasala ng amo laban sa dayuhang manggagawa o pagkatapos ng isang desisyon ng Lupon ng Pagsusuri sa Pagtatrabaho ay pabor sa mamamayan mula sa ikatlong bansa). Ang pagpapalit ng amo ay hindi pinahihintulutan pagkatapos ng 6 na taong pagtatrabaho sa amo.

MGA MAG-AARAL

Ayon sa bagong batas, na sumusunod sa isang panuto ng European Union, ang mga mag-aaral na mula sa ikatlong bansa ay maaari na ngayong magtrabaho sa Cyprus, pambayad sa pang-kabuhayang gawain, sa ilalim ng ilang mga batayan at para sa ilang mga uri ng sektor ng pagtatrabaho. Ang mga mag-aaral ng kinikilalang unibersidad o mga programa sa unibersidad ay pinahihintulutang magtrabaho hanggang 20 oras bawat linggo, sa mga partikular na trabaho at tinukoy na mga sektor ng pang-kabuhayang gawain. Dapat silang maging full-time na mag-aaral ng kinikilalang mga pamantasan o kolehiyo (o ng ilang karagdagang mga nakarehistrong kolehiyo) at dapat na ginugol nila ang hindi bababa sa anim na buwan ng full-time na pag-aaral sa Cyprus.

Dapat silang tratuhin nang pantay tulad ng mga manggagawang Cypriot. Ang lahat ng pinakamababang pamantayan ng paggawa ay dapat igalang. Naghahanda ang Kagawaran ng kontrata ng trabaho bilang pamantayan sa kasong ganito. Ang karaniwang kontrata ay makukuha sa mga Pampurok na Tanggapan ng Paggawa.

Ang mga trabaho at pang-kabuhayang gawain na sakop ay ipinapakita nang detalyado sa utos na inilabas ng sugo ng kagawaran. Kasama sa karaniwang mga trabaho ang mga sumusunod:

  • gasolinahan
  • hugasan ng sasakyan
  • tagapag-alaga ng mga matatanda
  • agrikultura / pagsasaka, pangingisda
  • panaderya
  • mabilisang paghahatid ng pagkain

Ang mga pangunahing dokumento na kinakailangan para sa mga nagnanais na magtrabaho-at para sa kanilang mga amo ay ang mga sumusunod:

  • may bisang permiso sa paninirahan (na may petsa na hindi bababa sa anim na buwan)
  • isang kontrata sa trabaho, na pinirmahan ng dalawang partido
  • isang talaorasan ng pag-aaral - na hindi dapat magkatugma sa mga oras ng pagtatrabaho.

Ang mga mag-aaral ay dapat munang makakuha ng pahintulot bilang mag-aaral mula sa mga Kinauukulang Pandayuhan. Pagkatapos ay dapat silang pumirma ng isang kontrata ng trabaho, sa isang amo, at ipasa ito sa Pampurok na Tanggapan ng Trabaho para sang-ayunan. Susuriin ng Tanggapan ng Trabaho ang mga pangunahing kundisyon at kung natugunan ay pahihintulutan ang kontrata. Ang Batas ay nagbibigay ng kaparusahan (multa o pagkabilanggo) para sa mga lumalabag sa mga probisyon nito.

Ang nasa itaas ay para sa pangkalahatang kaalaman. Para sa higit pang mga detalye, tingnan ang Pambanyaga and Pandayuhan (Susog) Batas bilang 184 (I) ng 2007 at ang utos na inilathala noong Disyembre 18, 2009, ng Tagapangasiwa ng Kagawaran ng Paggawa at Panlipunang Seguro.