Pabahay
Ang kalagayan ng mga makikinabang sa Pandaigdigang Proteksyon
Ang Batas ng Refugee (No.6 (I) 2000) ay nagbibigay, bukod sa iba pang mga bagay, para sa proteksyon ng mga takas at protektadong tao (tulad ng tinukoy sa Batas) anuman ang kanilang katutubong pinagmulan. Itinatakda nito ang mga pangunahing alintuntunin na bigyang lunas ang kalagayan ng mga asilo, pangangasiwa ng mga karapatan at pananagutan, at nagbibigay para sa pagpasok at pagpapalabas ng pansamantalang pahintulot sa paninirahan sa Republika atbp. Tinutukoy din ang proseso ng pagkilala sa katayuan ng takas at itinatag ang Lingkod Asilo bilang isang pangkalahatang utos para sa mga aplikasyon ng asilo.
Sa ibaba ay makikita mo ang ilang mga serbisyo na ibinigay ng Republika ng Cyprus. I-click bawat isa upang malaman ang iba pang serbisyo.
Sa usapin ng pabahay para sa mga asilo, walang tiyak na tuntunin ng pagsangguni para sa pabahay. Ayon sa Refugee Law (No.6 (I) 2000), ang mga asilo ay may karapatan na manatiling legal at malaya sa Republika ng Cyprus.
Sa Cyprus, mayroon lamang isang tanggapan para sa mga asilo, na matatagpuan sa Kofinou. Ito ay may kakayahan ng humigit-kumulang na 400 katao at ito ay iniuukol para sa pansamantalang tirahan hanggang sa sila ay makahanap ng mas angkop at tamang lugar. Ang pinakamatagal na paglagi sa tanggapan ay humigit-kumulang sa hanggang sa anim na buwan lamang. Kung ang aplikasyon ng nakatirang asilo ay hindi pa makompleto sa loob ng itinakdang panahon na dapat ng pananatili, ang Social Welfare Services ang bahalang tumulong sa mga aplikante upang makahanap ng pansamantalang matutuluyan.
Bukod dito, ang Lingkod Asilo, na may pananagutan para sa pamamahala at pangangasiwa ng Sentro, ay nagpasiya na ang mga karapat dapat na manirahan ang magiging pangunahing bibigyan ng matutuluyan tulad ng mga pamilya na may mga bata, inang kasama ang mga anak. Bukod dito, ang Lingkod Asilo, na may pananagutan para sa pamamahala at pangangasiwa ng Sentro, ay nagpasiya na ang mga karapat-dapat manirahan ang sumangguni sa sentro ayon sa karapatang mauna ang mga walang lakas tulad ng pamilyang may sanggol, solong kababaihan o kababaihang may anak. Kabilang sa mga serbisyong inaalok sa tanggapan ay ang pagbibigay ng libreng pagkain, libreng masasakyan, serbisyong pangkalusugan pati na rin ang tulong para sa pangangasiwa kung kailan kinakailangan. At saka, mga bata ng mga pamilya ang pinaghahandaan sa sentro.
Sa wakas, ang mga taong naninirahan sa Sentro ay tumatanggap ng isang maliit na halaga ng pera para sa mga pansariling gastusin. Ayon sa mga pamamalakad ang tulong pabahay ay batay ayon sa pagsusuri sa antas ng mga mapagkukunan ng mga kaparaanan sa asilo.
Ang karapatang pumili ng isang lugar na matitirahan at malayang makapaglakbay sa loob ng Republika.
Ang karapatang pumili ng isang lugar na matitirahan at malayang makapaglakbay sa loob ng Republika.
MAMAMAYAN MULA SA IKATLONG BANSA
Ang mga batayan ng tirahan ng mga kasambahay ay ayon sa nakatala sa kontrata ng pagtatrabaho na kung saan ay pinagkasunduan ng dalawang panig para sa pagkuha ng matitirahan.