Nasa ibaba ang mga serbisyong ibinibigay namin. I-click sa bawat isa upang malaman ang higit pa.

ANG KATAYUAN NG MGA MAKIKINABANG NG PANDAIGDIGANG PROTEKSYON

Ang mga Asilo ay maaaring mag-apela sa Korte Suprema ng Hustisya, alinsunod sa Artikulo 146 ng Konstitusyon ng Republika, sa loob ng 75 araw mula sa pagtanggap ng liham ng desisyon na tanggihan ang kanilang aplikasyon para sa pandaigdigang proteksyon.

Ang isang asilo ay maaaring mag-apela sa Korte Suprema ng Hustisya, alinman sa desisyon ng Serbisyong Pang-asilo, o ang desisyon ng Pasuguang Tagasuri. Ang pamamaraan sa Korte ay hindi libre ang bayad. Gayunpaman, ang mga asilo ay may karapatang humingi ng pambatas na tulong, na napapailalim sa mga pambansang batas ng Republika, bilang pag-aangkop sa lahat ng mga mamamayan.

Sa Cyprus, ang karamihan sa mga isilo ay hindi sistematikong napipigilan. Sa mga kaso kung nasaan sila, hindi sila inaantala ayon sa ilalim ng mga probisyon ng Batas ng Refugee, ngunit sa ilalim ng mga probisyon sa batas ng Mga Banyaga at Dayuhan. Ayon sa mga probisyon na ito, maaaring ipataw ang detensyon kung ang isang tao ay ipinahayag na isang "ipinagbabawal na imigrante" o para sa layunin ng pagbabalik, sa ilalim ng mga probisyon na nagbago sa Panuto sa Pagbalik

Hanggang Enero 28, 2013, isang bagong bilangguan ang itinayo "Menoyia", sa purok ng Larnaca, ay nagsimulang kumilos na may layuning ibilanggo ang mga walang permisong migrante. Gayunpaman, ito ay ginagamit din na bilangguan ng mga asilo. Ang opisyal na kakayahan ng Menoyia Center ay 256 na tao, at simula ng manungkulan, walang naging problema ng pagsisiksikan. Bilang karagdagan ang sentro, ang mga mamamayan mula sa ikatlong bansa ay maaari ring pansamantalang manatili sa mga himpilan ng pulisya, hanggang sa ilipat sa Menoyia.

May karapatan kang maki-usap kung tinanggihan ang iyong aplikasyon para sa pandaigdigang proteksyon. Ang apela ay LIBRE ANG BAYAD

Kung nabigyan ka ng karagdagang proteksyon, maaari ka pa ring mag-apela laban sa desisyon na tinatanggihan ang iyong paghahabol para sa katayuan ng refugee. HINDI nito maapektuhan ang katayuan sa karagdagang proteksyon. Ang liham ng pagtanggi ay nagsasaad kung ilang araw ang kailangan mo para isumite ang iyong apela, simula sa araw na iyong natanggap ang sulat ng pagtanggi. Dapat mong isumite ang iyong apela sa loob ng ibinigay na panahon. Kung hindi, hindi tatanggapin ang iyong apela at sarado ang iyong file.

Maaari kang mag-apela sa Refugee Reviewing Authority..
Ang Refugee Reviewing Authority ay isang malayang kinatawan, na nananagot sa pagsusuri ng mga aplikasyon para sa pandaigdigang proteksyon na tinanggihan ng Serbisyo Pang-asilo.

Impormasyon ng mga dapat kontakin:
Refugee Reviewing Authority
10-12 Gregoris Afxentiou Avenue, Agios Dometios 2360 Nicosia
Tel: 22449160
Fax: 22303809

Ang mananahala sa Hukuman

Impormasyon ng dapat kontakin:
Administrative Court
Charalambos Mouskos Str., 1404 Nicosia
Tel: 22865741 / 22865751 / 22865761
Fax: 22661657

MAMAMAYAN MULA SA IKATLONG BANSA

Ang mga manggagawa mula sa ikatlong bansa ay dapat magharap ng kanilang mga reklamo, sa Kagawarang Pandayuhan at Pangbanyagang Pulisya, kung saan sila ay naselyohan at naitala, at pagkatapos ay ang mga Pampurok na Tanggapan ng Kagawaran Kaugnayan sa Pag-gawa ay aanyayahan ang magkabilang partido sa tanggapan ang kagawaran upang siyasatin ang mga reklamo at humingi ng tulong, katanggap-tanggap na solusyon sa mga kaaya-ayang pagpapahayag.

Ang ulat mula sa tagapamahala ng Kagawaran Kaugnayan sa Pag-gawa ay magpapadala sa Lupon ng Pagsusuri sa Pag-gawa ng Kagawarang Pandayuhan para sa isang pangwakas na pasiya. Ang Lupon na ito ay binubuo ng isang tagapamahala ng Kawanihan ng Pag-gawa at Panlipunang Seguro, tagapamahala mula sa Kawanihang Panloob at isang tagapamahala ng Pulisya mula sa Serbisyong Pandayuhan. Ang Tagapangasiwa ng Patalaan at Kagawarang Pandayuhan ay ipababatid sa parehong partido nang nakasulat sa huling pasiya.

Ang layunin ng Komite ay ang pagsusuri ng mga reklamo ng mga dayuhang manggagawa laban sa kanilang mga amo. Kung sakaling tama ang dayuhang manggagawa, maaari siyang magtrabaho sa ibang employer kung hindi siya ay hihilinging lumisan mula sa bansa o siya ay paalisin. Ang Lupon ay hinirang na kinatawang Tagakilos na Tagapangasiwa ng Pagpapatala at Kagawarang Pandayuhan pati na rin ang mga kinatawan ng Kagawarang Kaugnay sa Pag-gawa at ang Kagawarang Pandayuhan at Pangbanyagang Pulisya.

Kung ang isang manggagawa ay lumisan sa kanyang lugar na pinagtatrabahuhan at hindi pa napagpapasiyahan ang pantrabahong alitan sa Kagawarang Kaugnay sa Paggawa, kailan maibabalik ang garantiya na inilagak ng amo sa bangko at kailan ang amo ay maaaring magparehisto ng bagong kasambahay? Kapag nagpasiya ang Lupon ng Pagsusuri ng Paggawa na ang kasambahay ay dapat ng pauwiin, ang bahagi lamang ng garantiya ang maibabalik, ang natitira sa pera ay ginagamit upang bayaran ang halaga ng tiket ng eroplano.

Kung ang kasambahay ay bumalik na sa kanyang bansa, ang kanyang amo ang bibili ng kanyang tiket at ang buong halaga ng garantiya sa banko ay ibabalik sa kanya. Sa mga natatanging pagkakataon (halimbawa sa kaso ng mga matatanda o mga taong may mga kapansanan) ang amo ay maaaring sumulat ng kahilingan sa Tagapamahalang Pandayuhan upang magparehistro ng isang bagong kasambahay na may bagong garantiya sa bangko, anuman ang katotohanan sa kanilang hindi pa napagpapaseyahang pagtatalo sa pagtatatrabaho sa Kagawaran Kaugnay sa Paggawa.