Para sa mga mamamayang mula sa ikatlong bansa (TCN), ang batas ay sumasaklaw sa mga pangmatagalang paninirahan (Batas 129 (I) 2014 'Mga Banyaga at Dayuhan') at mga taong ayon sa batas ang katayuan ay batay sa mga probisyon ng Batas 59 (I) / 2014 ' Ang mga refugee ', maliban sa mga asilo. Ang batas ay sumasaklaw din sa mga biktima ng mga pantaong pangangalakal at pagsasamantala alinsunod sa mga probisyon ng Batas 60 (I) / 2014 'Sa Pagpigil at Paglaban sa Pantaong Kalakalan at Pagsasamantala at Pagtatanggol sa mga Biktima nito'.

Kasama sa mga kategoryang hindi kabilang sa batas ay ang mga boluntaryong walang trabaho at mag-aaral na ang buong panahon ay ginugugol sa pag-aaral, kabilang ang mga mag-aaral na mga ulila, na may mga kapansanan o kaya naman ay hanggang sa umabot sa edad na 18, ay nasa ilalim ng pangangalaga ng nangangasiwa ng serbisyo ng panlipunang kapakanan.

Sino ang kailangan mong kontakin?
Address: 63 Prodromou, 1568, Nicosia, Cyprus
mlsi.gov.cy/sws

Mga Asilo

Ang Social Welfare Services (SWS) ang may pananagutan sa pagtatasa at sumasakop sa mga batayan ng pagkupkop para sa Asilo, tulad ng ipinahayag sa mga Alituntuning Batayan sa Pagtanggap. Ang SWS ay nag-utos na magsagawa ng paunang pagtatasa kung ang isang naghahanap ng pagpapakupkop ay may sapat na mapagkukunan upang masakop ang kanyang mga pangunahing pangangailagan at bagay na kailangan ng kanyang buong pamilya, sa gayon ay matamo ang sapat na pamantayan ng pamumuhay. Ang paraan ng paghiling para sa pagkakaloob ng mga kondisyon sa pagtanggap ng materyal at ang pangkalahatang impormasyon na ibinigay sa mga aplikante ay nagpapahiwatig ng isang hanay ng mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat, ang antas ng tulong, at mga dahilan kung bakit hindi na bibigyan ng mga materyal na tulong. Ang mga ito ay pinasiyahan ng Konseho ng mga Tagasugo sa pagsasagawa, bagaman ang mga Alintuntunin ay hindi nagbibigay ng gayong kapangyarihan sa Konseho.

Ang unang sinuri ng SWS ay ang posibilidad ng paglalagay ng mga naghahanap ng pagkukupkop sa Sentrong Tanggapan sa kanilang paghiling ng tulong. Kung hindi maaring mailagay, karaniwang ang dahilan ay sa kakulangan ng lugar, ang SWS ang may pananagutan sa paggawa ng paraan para sa mga kahilingan at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga naghahanap ng pagkukupkop, kabilang ang paglalaan ng panggastos, na kinabibilangan din ng mga gastos sa pabahay matatagpuan sa iba't ibang lungsod. Sa wakas, ang isang maliit na halaga ay ibinibigay sa deretsong pagbabayaran..

Ang parehong EU Reception at Qualification Directives ay binigyang diin ang pangangailangan upang masiguro ang karapatan ng mga naghahanap ng pagkukupkop sa tulong na panlipunan, kung saan ang tulong na ito ay dapat sumasaklaw sa pangunahing pangangailangan pati na rin ang anumang mga natatanging pangangailangan ng mga mahihinang tao. Ang mga naghahanap ng pagkukupkop ay hindi karapat-dapat sa iba pang mga benepisyong panlipunan na ipinagkaloob sa mga mamamayan, tulad ng mga itinatadhana ng Kagawaran ng Pananalapi, kabilang ang mga benepisyo ng bata, na katumbas sa bilang ng mga umaasang anak sa buong pamilya. Bilang karagdagan, ang mga naghahanap ng pagpapakupkop ay hindi makatatanggap ng benepisyo sa panganganak o benepisyo ng bata na ibinigay sa walang asawang ina. Bukod dito, hindi sila maaaring humiling ng mga gawad na tulong sa pag-aaaral tulad ng ibinibigay sa mga mamayan na may siguradong katayuan sa mga unibersidad.

Ang mga naghahanap ng pagkukupkop ay hindi kasama sa pagtanggap ng mga gawad at benepisyo mula sa Department for Social Inclusion ng mga taong may Kapansanan ng Ministry of Labor and Social Insurance, na kinabibilangan ng iba't ibang mga pamamaraan na naglalayong tulungan ang mga may kapansanan, tulad ng: natatanging panggastos para sa mga may problema sa mata; panggastos sa kadaliang mapakilos; panukalang tulong na pananalapi sa pagkakaloob sa kadahilanang pangteknikal at iba pang mga tulong at panukala sa panggastos sa pag-aalaga ng paraplegic at quadriplegic na tao.