ANG KATAYUAN NG MGA MAKIKINABANG NG PANDAIGDIGANG PROTEKSYON

Ang edukasyon sa lahat ng antas ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng pagsasama para sa mga migrante. Ang dalawang malaking bahagi ay ang pag-aaral ng wika at pag-aaral para sa mga matatanda.

Ang pag-aaral ng isang wika ay madalas na ang unang hakbang sa pagiging bahagi ng isang bagong bansa, kultura at komunidad. Ang pagtulong sa mga migrante na magsalita ang lokal na wika ay mahalaga para sa kanilang pagpasok sa merkado ng trabaho.

Sa ibaba ay makikita mo ang ilang mga serbisyo na ibinigay ng Republika ng Cyprus. I-click sa bawat isa upang malaman ang iba pang impormasyon

Ang pag-aaral sa mga may edad ay napakahalaga para sa mga migrante dahil maaaring mangailangan sila ng iba't ibang mga kasanayan mula sa mga ginamit nila sa kanilang mga bansang pinagmulan para sa kanilang mga bagong hanapbuhay.

Ang EU, sa pamamagitan ng Erasmus + at ang hinalinhang Lifelong Learning Programme, ay pononduhan ang proyekto para sa pag-aaral ng mga matatanda at pag-aaral ng wika. Tingnan ang ilang mga halimbawa kung ano ang nagawa at kung paano maaaring maglaro ang edukasyon sa bahagi ng pagsasama ng mga migrante: Ang pagaaral para sa mga matatanda sa Cyprus ay iniaalok ng pampubliko, itinatag ng pamahalaan pribado man o pampubliko at pribadong institusyon na, ayon sa uri ng edukasyon o pagsasanay na inaalok, maaari mapangkat sa tatlong kategorya:

  • Mga institusyon na nag-aalok ng pormal na edukasyon sa mga matatanda
  • Mga institusyon na nag-aalok ng di-pormal na edukasyon sa mga matatanda
  • Mga institusyong nag-aalok (pagpapatuloy) pangkabuhayang pagsasanay

Sa ibaba, ay nakalista ang mga pangunahing institusyon at organisasyon na nag-aalok ng edukasyon para sa mga matatanda na binuklod sa mga nabanggit na kategorya sa itaas.

Ang limang Pang-gabing Gimnasyo at ang dalawang Pang-gabing Teknikal na Paaralan sa Nicosia at Limassol, Post-Secondary Paaralang Pangkabuhayang Edukasyon at Pagsasanay, ang Open University of Cyprus, ang Mediterranean Institute of Management, ang mga Higher Education Institutions (parehong pampubliko at pribadong) nagaalok ng iba’t ibang programa ng pag-aaral para sa mga matatanda.

Ang Adult Education Centers, ang 41 State Institutes of Further Education, ang Pedagogical Institute, Private Institutes na nakarehistro sa Kagawaran ng Edukasyon.

Ang Cyprus Productivity Center, ang Cyprus Academy of Public Administration, hapon at gabi klase sa mga teknikal na paaralan, ang Apprenticeship Scheme ay nag-aalok kasama ang mga teknikal na paaralan at mga pribadong industriya, mga kursong ayon sa kailangan ng kompanya na pinondohan ng Human Resource Development Authority.

Ang Adult Education Centers ay isang makabuluhang programa na nagbibigay ng pangkalahatang edukasyon sa mga matatanda sa Cyprus sa loob ng balangkas ng pagbibigay ng pagkakataong matuto ng mga kaalamang panghabang-buhay. Ang pangunahing layunin ng Adult Education Centers ay ang pangkalahatang pag-unlad ng pagkatao ng bawat matanda pati na rin ang pag-unlad ng lipunan, pananalapi at pag-unlad ng kultura ng mga mamamayan at lipunan sa pangkalahatan. Ang kanilang mga layunin ay nag-tutugma sa patakaran sa pag-unlad ng bansa at sa mas malawak na layunin ng Pasuguan ng Edukasyon at Kultura tungkol sa pagkakaloob ng mga pagkakataon sa "Panghabang-buhay na Pagaaral" para sa lahat ng mga mamamayan ng Republika ng Cyprus at sugpuin ang hindi pagkakapantay-pantay sa larangan ng edukasyon upang ang mga mamamayan ay matagumpay na mapagsama at upang kumilos nang mahusay sa nagkakaisang Europa

Nag-aalok ang Adult Education Centers ng iba't ibang mga paksa na nakatuon sa pagtuturo ng mga wika ng ibang bansa, sining at pangkabuhayan, mga palatuntunan pangkultura, kalusugan at iba pang mga suliranin ng pangkalahatang kapakanan, pati na rin sa pagtuturo ng mga propesyonal at bokasyonal na kasanayan.

Karagdagan pa, bawat taon ang Adult Education Centres ay nagbubuo ng walang bayad na mga gawain sa pag-aaral para sa iba't ibang pontiryang grupo, tulad ng mga taong hirap sa pagbasa at pagsulat, mga taong may mga natatanging pangangailangan, hindi kauri ng mga Cypriot, mga bilanggo, may sakit sa isip at matatanda. Nag-aalok din sila, walang bayad, mga kurso sa wikang Griyego sa mga anak ng mga naibalik na Cypriot, sa mga pampulitikang takas at sa Turkish Cypriots. Bukod dito, ang mga kurso sa wikang Turkish ay inaalok ng libre sa mga Greek Cypriot.

Ang mga Adult Education Centers ay kinikilala ng mga mamamayan ng Republika ng Cyprus bilang ang pinakamahalagang programa ng pangkalahatang edukasyon para sa mga matatanda ay nagkakaloob ng iba't ibang mahuhusay na kurso.

Ang kabataang asilo at kabataang aplikante ay may karapatang makapag-aral sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng parehong mga kondisyon bilang kabataang mamamayan ng Republika ng Cyprus. Gayunpaman, dahil sa ang pagtuturo sa mga pampublikong paaralan ay wikang Griyego, ito ay nagiging hadlang sa kanilang pagdalo. Samakatuwid, sa ilang mga pang-edukasyong institusyon, pagkatapos ng mga oras sa paaralan, ang mga kurso sa wikang Griyego ay inaalok upang matulungan sa kanilang pag-angkop sa sistema ng paaralan.

Bukod pa rito, noong 2003-2004, ang Pasuguan ng Edukasyon at Kultura ay nagtatag ng Zones of Educational Priority (ZEPs), bilang pagsubok sa proyekto, gayunpaman, mula noon ang proyekto ay pinalawak na at ngayon ay kinabibilangan ito ng 42 matatag na pang-edukasyon. Ang pangunahing layunin sa likod ng pagpapakilala ng ZEPs ay ang pagkakaloob ng pantay na pagkakataon sa edukasyon, pati na rin ang paglaban sa kabiguan ng paaralan, pagbubukod ng lipunan, pag-tatakda ng edukasyon, atbp.

Ang mga Regulasyon sa Pansamantalang tirahan ay nagtakda na ang lahat ng mga anak ng asilo ay may karapatan makapag-aral sa ilalim ng parehong mga kondisyon na halintulad sa mga mamamayan ng Cyprus, kaagad pagkatapos humiling sa asilo at hindi lalampas sa 3 buwan mula sa petsa ng pagsusumite.

Mamamayan mula sa ikatlong bansa

Ang edukasyon sa lahat ng antas ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng pagsasama para sa mga migrante. Pagpapahalaga sa dalawang bahagi ang pag-aaral ng wika at pag-aaral para sa matatanda.

Ang pag-aaral ng wika ay madalas na ang unang hakbang sa pagiging bahagi ng isang bagong bansa, kultura at komunidad. Ang pagtulong sa mga migrante na magsalita ang lokal na wika ay mahalaga para sa kanilang pagpasok sa merkado ng trabaho.

Itinatakda ng mga Regulasyon na ang lahat ng mga bata na ang katayuan ng mga magulang ay legal ang pananatili sa trabaho ay may karapatan sa edukasyon sa ilalim ng parehong mga kondisyon na ginagamit sa mga mamamayan ng Cyprus.

Ang lahat ng dayuhang mag-aaral, mga mag-aaral na hindi EU na nag-aplay sa mas mataas na paaralan sa Cyprus ay nangangailangan ng bisa sa pagpasok sa Cyprus. Sa kondisyon na ang lahat ng mga kinakailangang dokumento at bayad ay natanggap na, ang paaralan ay isusumite ng mga dokumento ng mag-aaral sa Pandayuhang Pasuguan para sa pagsusuri.

  1. €55 ang bayad sa aplikasyon (ang aplikasyon ay hindi mapoproseso nang wala itong hindi na mababawing bayad).
  2. €86 bayad sa bisa ng Mag-aaral (ang application ay hindi mapoproseso nang wala itong hindi na mababawing bayad).
  3. 4x litratong pangpasaporte ang laki.
  4. Nakumpirmang kopya ng Katunayan ng Pagtatapos sa Mataas na Paaralan (Elementarya & Secondarya) at talaan ng mga grado.
  5. Nakumpirmang kopya ng pasaporte (na dapat ang bisa ay dalawang taon mula sa umpisa ng semester na papasukan).
  6. Nakumpirmang Police Clearance Certificate (6 buwan ang panahon ng pagkabisa).
  7. Nakumpirmang Sulat ng Banko (6 buwan na bisa) na nagsasabi na ang tagatangkilik ng mag-aaral ay may kakayahang pang-pinansyal na suportahan ang kanyang pamumuhay, pag-aaral at mga gastusin sa pagpapauwi. Ang sponsor ay maaari lamang maging Ama / Ina / Sarili. Sa kaso ng isa pang Sponsor, mangyaring magbigay ng sinumpaang pahayag sa Korte. Dapat na malinaw na ipahayag sa liham ang kaugnayan sa pagitan ng tagatangkilik at mag-aaral.
  8. Pahayag ng bangko bilang pagsuporta (1 buwan na bisa).
  9. Nakumpirmang mga ulat sa Pagsusuri ng Dugo para sa HIV, Syphilis, Hepatitis B at C (4 na buwan na bisa).
  10. Nakumpirmang ulat ng X-ray ng dibdib para sa tuberculosis (4 buwan na bisa).