Ang Migrant Information Centre (MIC) ay bumuo ng mga serbisyo batay sa aming pagpapahalaga sa pakikinig, makikiramay, pag-unawa at pagsuporta sa isang mahirap na migrante. Ang apat naming tanggapan ay may mga tauhang may mataas na kasanayan na handang tumugon sa iba't ibang mga kahilingan.

Kahalagahan 

Pangangalaga: Naniniwala kami na ang lahat ay nararapat na maging ligtas at mapangalagaan ang kanilang karapatang pantao

Pagkakaiba-iba: Aming iginagalang at kinikilala ang karanasan ng bawat isa at aming tinitiyak ang buong puso naming paglilingkod.

Pagkakapantay-pantay: Naniniwala kami sa pagkamakatarungan at pagkakapantay-pantay ng nakalaan. Ito ang pangunahin sa lahat ng aming ginagawa.

Pakikipagtulungan: Kami ay nakatuon sa pakikipagtulungan at sa lahat ng mga tumutulong sa amin upang makamit ang aming pangitain.

Paglilikha: Kami ay nakatuon sa pagtanggap ng mga bagong paraan ng pagtatrabaho na maghahatid ng mas mabisang serbisyo.

Kahusayan: Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na kalidad ng serbisyo at pagkamit ng pinakamataas na pamantayan ng pag-aalaga ng kliyente.